Stimulation exercise sa mga residente ng Bulusan isinagawa ng AFP

BILANG paghahanda sa nakaambang panganib sa lugar ng Bulkan Bulusan sa Sorsogon, nagsagawa ang mga tauhan ng 9th Infantry Division ng Philippine Army ng simulation exercise para sa alert level 4 massive evacuation ng mga residente sa loob ng six kilometer danger zone sa naturang lugar.

Ayon kay 9th Infantry Division Spokesperson Maj. Harold Cabunoc, layon ng simulation exercise na ipakita ang kahandaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsuporta sa disaster response operation sa nakaambang pagsabog ng Bulkang Bulusan.

Inihayag pa ni Cabunoc na target ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang zero casualty sa oras na pumutok ang bulkan kaya’t patuloy ang paghahanda ng lahat ng ahensya ng lalawigan para maisakatuparan ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply