Sugal lupa target ni Chief Supt. Bartolome

DUMATING na si NCRPO Director Chief Supt. Nicanor  Bartolome matapos ang isang linggong seminar sa Estados Unidos para sa Crisis Management Security Seminar  ng US Defense Department, subalit patuloy pa rin ang pamamayagpag ng iba’t ibang iligal na pasugalan sa buong Metro Manila.

Bago umalis ng bansa ang hepe ng NCRPO, sinabi nitong magsasagawa ng all-out-war laban sa iligal na sugalan sa kanyang nasasakupan kung saan lalo pang lumalala ang talamak na STL bookies, video karrera, lotteng at saklaan.

Napag-alaman na binabalewala ng mga kapulisan sa NCRPO ang kautusan ni Bartolome kung saan nagkaroon ng dalawang function ang ilang opisyal ng naturang tanggapan higgil sa pangongolekta sa ilang mga iligalista na nag-ooperate sa buong Kamaynilaan.

Ayon sa impormasyon ng isang police colonel na hindi nagpabanggit ng pangalan at nakatalaga sa NCRPO, nagkakaroon ng girian ang dalawang grupo kung saan isang nagngangalang PO3 Bebet Aguas ang patuloy sa pangongolekta, subalit ikinagagalit naman ng isang grupo na nakilala sa pangalang SPO1 Arnold Sandoval at Ricardo Zhornack na kagrupo naman ng isang opisyales  ng RPSB kabilang ang R2 at RPIOU na siyang nagkakaroon ng hidwaan.   Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply