Suspek sa Maguindanao massacre, nadakip

ISA pang suspek sa Maguindanao massacre ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Autonomous Region in Muslim Mindanao Crime Investigation and Detection Group (ARMM-CIDG).

Sinabi ni ARMM Police Regional Director C/Supt. Bienvenido Latag, naaresto kaninang umaga ng ARMM-CIDG at Philippine Army 63rd Division Reconnaissance Company ang suspek na si Manny Ampatuan sa Bgy. Capayuran, Pigkawayan, Cotabato.

Nadakip si Ampatuan, na may pabuyang P250,000, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) Branch 221 sa kasong 57 counts ng murder.

Umaabot na sa 82 suspek sa Maguindanao massacre ang naaresto habang 113 pa ang pinaghahanap.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply