Susunod na biktima ni Pacman malalaman sa Disyembre

SISIMULAN na umano sa susunod na buwan ni Top Rank promoter Bob Arum ang negosasyon kay 8-division world champion Manny Pacquiao para sa next fight nito sa susunod na taon.

Ayon kay Arum, magtutungo siya ng Pilipinas para sa birthday ni Manny sa Disyembre 17, kung saan inaasahan umanong tatalakayin na nila ang mga potential opponent ng WBC super welterweight champion.

Kabilang sa mga lumulutang na pangalan para sa posibleng kalaban ng Filipino ring icon ay sina lightweight champion Juan Manuel Marquez, WBC middleweight champion Sergio Martinez at WBC welterweight king Andre Berto.

Kasabay nito, nagpahayag na ng kawalang-interest ang promoter na itulak pa ang Pacquiao versus Floyd Mayweather, Jr. fight.

Giit ni Arum, binigyan na nila ng ultimatum ang kampo ng American former pound-for-pound king para kagatin ang hamon pero mistulang takot umano si Floyd, Jr., na kalabanin si Pacquiao.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply