Suwapang sa superhighway walang konse-konsensya

SALAPI, dambuhalang tubo. ‘Di baleng magkahetot-hetot ang buhay ng mga motorista at mamamayan basta magkamal sila ng malalaking tubo.

Ito, mga Bro, ang masasabi natin sa pagtataas ng mga operator ng toll sa mga superhighway sa mahal kong Pinas.

Yang South Luzon Expressway ang nagpasimula ng problema sa taong ito. Pero naunang naningil nang pagkamahal-mahal na toll ang North Luzon Expressway.

Ngayon ay gusto ng  SLEX, NLEX, Subic-Clark-Tarlac Expressway, Skyway at iba pa ang sabay-sabay na pagtataas ng toll.

Sa larawang ito, lumalabas ang kawalan ng konsiyensiya ng mga operator ng mga superhighway. Masahol pa sila sa buwaya kung lamunin nila ang kakaunti nating kinikita sa ating mga hanapbuhay at trabaho.

Para sa mga negosyante, yang napakatataas na bayarin o toll ang isang dahilan ng pagtataas ng  presyo ng mga kalakal. Dahil dito, tumutumal ang negosyo at nilalamon naman ng mahal na paninda ang konting kita lalo na ng nakararami.

Napipilitan ding maningil ng mahal na pamasahe ang mga pampublikong sasakyan sa kanilang mga pasahero.

Ang ginagawa rito, mga Bro, ay kinakausap ng mga konduktor o drayber ang mga pasahero na magdagdag ng kanilang pamasahe para pambayad ng toll.

Hindi nasusunod ang sinasabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na regular na pamasahe. At kung napuno ang mga pampasaherong sasakyan ng mga estudyante, disabled, senior citizen na pawang may 20% discount, sakit sa ulo yan ng mga konduktor, drayber at operator. Lugi sila!

oOo

Dito natin naalaala, mga Bro, ang krusada nina Bulacan Gov. Willy Alvarado at Albay Gov. Joey Salceda.

Sabi nila, mga Bro, sa loob lamang ng 3-5 taon, bawi na ang mga operator sa kanilang mga gastos. Nasa limang taon ang paggawa ng mga kalsadang ito kaya gastos at bawi sa puhunan ang nagaganap sa loob ng 10 taon. Pero sa susunod na 20 taon, batay sa 30 taong prangkisa ng mga operator, panay tubong lugaw na lamang ang mga ito.

Ano na lang ang mangyayari sa mamamayan na hindi man lang makaranas ng pag-unlad kundi lalong paghihirap dahil sa mga suwapang sa toll?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply