System loss ng Meralco ilegal

PINATATANGGAL ng National Association of Electricity Consumers for Reforms(Nasecor),ang singilin sa Performance Based Regulation (PRB) at System Loss ng Manila Electric Company(Meralco),dahil sa pag “over pricing” ng malaking halaga na ipinapatong sa singilin sa may 4.8 consumer ng naturang electric company.

Sa ginanap na lingguhang forum sa Balitaan sa Tinapayan, ibinulgar ni Butch Junia, na may over pricing ang Meralco sa lahat ng billing details nito na nakasulat o nakasaad sa meralco Bill ng mga consumer .

“Ginagawa nila yong billing details na makikita ninyo sa mga billing kada buwan na ipinadadala,bilang bahagi ng kanilang strategy para lituhin ang publiko”.

Ayon pa kay Junia ,dapat lamang aniya na sa distribution charge lamang ang binabayaran ng mga consumer at hindi ang transmission,system loss at ibang mga charges dahil hindi na umano natin sagutin pa ang nawalang kuryente sa pagkuha nila sa planta.

“Hindi tama yon,sa pagkakaalam namin,dapat singilin lang iyong ibinibigay nilang benepisyo sa atin”,ayon pa kay Junia. (Jocelyn Tabangcura Domenden)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply