Tahanan ng ginang pinasok ng kawatan

PINASOK ng mga hindi nakilalang magnanakaw ang tahanan ng isang biyuda sa Baritan, Malabon City habang ang biktima ay nasa sementeryo.

Tinangay ng mga suspek ang malaking halaga ng pera gayundin ang mga alahas ng biktima.

Kinilala ni Supt. Reynaldo Orante ang biktima na si Adelfa Cruz, 75, biyuda, residente ng Sto. Rosario Village, ng nasabing barangay.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, ganap na alas-siyete kamakalawa ng gabi nang mangyari ang nakawan sa bahay ni Cruz.

Ayon sa pahayag ng biktima, nagpunta sila sa sementeryo para dalawin ang puntod ng namayapang asawa at iniwang walang tao ang bahay, bagama’t kinandaduhan nila ang kanilang gate at  pintuan. Nagulat na lamang sila nang madiskubre na wasak ang padlock ng gate maging ang pintuan at matuklasan na siya ay napagnakawan. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply