Tamang pagpili ni P-Noy sa ipapalit kay Melo, dinadalangin ng PPCRV

MATAPOS ang isinagawang pagsumite ng resignasyon ni Commission on Elections Chairman Jose Melo, nagpahayag ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na ipananalangin nila si Pangulong Benigno Aquino III sa pagpili ng ipapalit sa ibabakanteng puwesto.

Nanawagan ang PPCRV kay Pangulong Aquino na magtalaga ng “good” replacement kay Melo, na bababa sa puwesto sa January 2011.

“We will pray that a good one will be appointed as chair,” ayon kay PPCRV chairperson Henrietta de Villa sa artikulo na inilathala ng Union of Catholic Asian News website.

Ayon kay De Villa, pinapanalangin din nila ang mga bagong itatalagang Comelec officials ng Pangulong Aquino na isasagawa sa mga susunod na araw.

“We pray even now that the president will also be guided by the Lord’s wisdom in selecting the right people in leading the Comelec in this new era of automated election system,” dagdag pa nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply