Tanod todas sa truck driver

Namatay ang isang barangay tanod nang pagsasaksakin ng isang truck driver na sinita nito dahil sa hindi maayos na pagpaparada ng truck sa Tondo, Maynila.

Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Norman Salinas, 29, may live-in partner, barangay tanod ng Brgy. 28, Zone 21, at residente ng 264 Hinahon st.,Tondo, sanhi ng saksak sa katawan. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Crisanto Estrada, driver ng White Eagle Trucking Corp., sa Del Pan st., na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni PO2  Efren Flores, dakong alas-4:30 ng madaling araw, nang naganap ang insidente sa Zaragosa st., kung saan nakaparada ang minamanehong trailer  truck ng suspek na may kargang container van, may plakang PTR-105, dahil may kinukumpuni ito nang lapitan ng biktima at sinabihang iayos ang pagkakaparada ng sasakyan.

Pagbaba ng suspek ay nilapitan nito ang biktima at walang sabi-sabing pinagsasaksak ito.

Nang maisagawa ang pananaksak saka mabilis na tumakas ang suspek at iniwanan ang duguang biktima.

Nakilala ang suspek sa pamagitan ng naiwang delivery receipt at kinumpirma rin ng pamunuan ng trucking company.  Dinala sa Lorenz Funeral homes ang bangkay ng biktima para sa safekeeping at awtopsiya.  (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply