Taong-MMDA lumalayas; traffic light pinepera

MARAMI ang nag-iinit ang ulo ukol sa mga sinasabing magagandang programa sa trapiko sa Metro Manila.

“Magaganda nga pero may pailalim na mga gawain.”

“Yung iba, hanggang salita lang, papogi lang.”

Ito ang ating naririnig mula sa mga motorista at karaniwang nararamdaman natin silang may kakaibang inis.

Parang gusto nilang makarma ang mga trapik enporser,  trapik pulis at Metro Manila Development Authority trapik enporser.

oOo

Tinutukoy natin ang  programang haytek na trapik layts at 24/7 na presensiya umano ng mga taong-MMDA.

Dati-rati, ang mga trapik layt ay pabilog ang hugis ngunit ngayon ay para nang pana.

Sa pamamagitan ng hugis pana, nabibigyan ng  direksyon ang mga motorista.

Dati-rati, go lang ang ibig sabihin ng grin layt.

Bahala ka kung saan ka pupunta at kung sumusunod ka sa taksi o dyipni baka kung saan ka mapunta.

Wala kasing sinusunod na batas trapiko ang mga ito at ililigaw ka lang nila. Ang masama pa, madadamay ka sa “biting da red layt” ng mga ito at baka madisgrasya ka pa.

Itong mga tauhan naman ng MMDA ay nakapagbibigay ng seguridad bukod sa pagiging disiplinado ang mga drayber kung nakikita sila.

Oki ang kanilang pagpapakita sa lansangan.

oOo

Heto naman ang  ikinabubuwisit ni Juan sa mga programang ito.

Parang pinepera ng mga trapik enporser, pulis at MMDA ang bilis ng palitan ng mga signal layt.

Maraming trapik layt ang napakabilis na magpalit ng ilaw at segundo lang ang para sa yelo layt.

Ang yelo layt ang signal para sa pagpapalit ng ilaw para sa grin layt na go at red layt na para sa stop.

Dahil sa segundo lang ang yellow layt, ang dami ng hinuhuli na mga sasakyan sa gitna ng mga krosing.

Eh maraming nakapuwestong trapik layt sa mga malalawak na kalsada gaya ng EDSA, C-3 at ilang beri bisi na istrit.

Kaaandar mo pa lang para lumiko o tatawid, mahahagip at mahahagip ka ng red layt.

Por eksampol ng ganitong  trapik layt ang nasa sa Chinese General Hospital sa may Blumentritt, Manila.

Ang kasunod nito ay ang pagpapara at paniniket ng mga trapik pulis at sari-saring enporser.

Sinasadya ba yan para lang may pagkaperahan ang mga pulis at trapik enporser?

Ito ang masama sa pagbibigay ng komisyon sa mga pulis at enporser sa kanilang mga huli.

Hindi na yung magpadaloy ng trapik ang trabaho ng mga ito kundi ang mag-isip kung paano pagkaperahan si Juan.

oOo

Yang mga tagaMMDA naman ay milagrong nawawala kung gumabi na at hindi totoong nasa kalsada sila ng 24/7.

Sa EDSA lang sila nakikitang aktibo.

Pero kung umuulan naman, mahirap silang hagilapin.

May mga lugar naman na mas mabilis pa sila sa daga na lumalayas sa mga binabahang lugar, lalo na sa gabi.

Eh ano kung magkabuhol ang trapik, katwiran yata nila!

Mabuti na lang, may pailan-ilang taong-kalsada o taga-barangay na umaalalay kay Juan.

Sa pagkakataong ganito, hinahagisan na lang ng piso ang mga basang-basa sa ulan at binabahang trapik boys. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply