Targeted killings

Kapag binansagan na gawa ng mga terorista ang ano mang gulo o karahasan takot agad ang iiral sa mga tao.

Kapag sinabi na ang isang tao ay isang terorista, may pre-conceived idea na agad tayo kung anong klaseng tao ito at kung ano ang pwedeng karahasan na magagawa nya.

Minsan pag napagbintangan ang isang tao na terorista, may rason na agad ang mga awtoridad na hulihin ang taong ito.

Noon ngang katatapos pa lang ng pagbomba sa World Trade Center sa New York, yung tinagurian na 9/11 disaster, naging mahirap sa mga taong may mga Arab names ang maglabas pasok sa Amerika. Naging mahigpit ang trato sa mga mukhang Arabo. Naging mahigpit ang seguridad lalo sa mga may kapangalan sa mga wanted list.

Naalala ko maraming naperwisyo sa paghihigpit na ito.  Maraming mga na-harass. Pero may karapatan ba ang mga awtoridad na gawin ito, ang maghigpit o ang maging marahas sa paghuli ng mga pinaghihinalaang terorista?

Kung ang isang tao ay tinawag na terorista, agad ba na nalalagay sa alanganin ang karapatang pantao ng mga taong ito? O kung iaangat pa natin ang tanong, may karapatan ba ang kahit sinong gobyerno na pumatay ng terorista?

Sa totoo lang ligal ang pagpatay o pag-eliminate sa mga terorista kung ang rason ng gobyerno ay para maprotektahan ang pamahalaan. Pero may mahigpit na batas tungkol sa mga targeted killings na ito.

Ang pagsasagawa ng targeted killing o pagpatay sa mga mahihigpit na kalaban ng batas ng isang bansa ay napapaloob ayon sa detalyadong batas ng International Humanitarian Law Defining Armed Conflict.

Ang pinaka-importanteng tungkulin ng isang pamahalaan ay protektahan ang seguridad ng kanyang bansa at kung kinakailangan na isakatuparan ang targeted killings laban sa mga terorista upang siguruhin na malayo sa kapahamakan ang mga mamamayan ay ligal pero ayon sa batas.

According to strict compliance of international laws. May batas na pumapaloob sa tinatawag na targeted killings. May mga international laws na nagre-regulate para kahit sa mga bansang may gyera o mga areas na may armed conflict ay may pagbabantay pa ring nangyayari para hindi lubusang naabuso ang karapatang pantao mga lugar na may gyera.

Hindi basta-basta ang pag-eliminate ng mga sinasabing terorista. Iginigiit pa nga ng ibang political analysts na hindi makatao ang pagpatay sa isang binansagan na terorista kung siya ay wala sa lugar na may gyera.

Kung baga hindi pwede ma-justify ang targeted killings sa lugar na walang gyera at walang armed conflict.

Ang intensyon ng mga international laws na ito ay para mapanatili kahit papano ang respeto sa karapatang pantao kahit sa gitna ng gyera na karamihan ay politika ang dahilan.

Mag-text po kayo sa akin tungkol sa usaping ito sa 09215186724. O kaya ay email sa: ariel.inton@gmail.com. Ariel Inton

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply