Tatlong gold target sa Boxing at Chess

IBA ang talento ng Pinoy pagdating sa boxing maging ang mga babae ay nagpapakitang gilas sa nasabing sport.

Habang isinusulat ang istoryang ito ay kasalukuyang nakikipagbasagan ng mukha sina Pinoy at Pinay Pugs Rey Saludar at Annie Albania para sa gold medal bout ng 52 kg at 48-51 kg kontra Chinese boxers Yong Chang at CanCan Ren ayon sa pagkakasunod sa nagaganap na 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Bago sumampa si Saludar sa finals ginulpi niya muna si Katsuaki Susa, 13-4, ng Japan sa semifinal bout na ginanap sa Foshan Lingnan Mingzhu Gymnasium habang si Albania, isa sa pinakamagaling na amateur boxer sa bansa, ay binugbog ng husto si Aya Shimmoto, 16-1 ng Japan sa women’s section.

Anuman ang mangyari ay nakatitiyak na magsusubi ng silver medals sa boxing competition kung saan ang panalo ng dalawa ang magdadagdag sa gold medal standing para sa Pilipinas na ngayon ay may dalawang ginto nang nakuha mula sa bowling at billiard.

Samantala, nadagdagan ng isang tanso ang Pilipinas matapos matalo si Pinoy boxer Victorio Saludar sa semis laban kay Kazakhstan’s Birzhan Zhakypov, 12-1, sa 46-49 kg division.

Nananatili pa ring buhay ang asam ng Pilipinas na malampasan ang four medals na nakuha sa 2006 Asian Games sa Doha.

Kasalukuyang may dalawang ginto ang Pilipinas at may tatlong gold medals pang maaring makuha mula sa Boxing at sa Chess event kung saan ay nakikipagtuos sila sa second seeded India sa semifinal match. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply