Tauhan ng Marines sa Basilan pinalitan na ng Special Task Force

ITINATAG ang bagong Special Operations Task Force Basilan kung saan papalitan nito ang mga tauhan ng 1st Marine Brigade sa pagbibigay-seguridad sa Basilan.

Ayon kay Philippine Army Commander Gen. Orlando Ortiz, nagsimula nang umalis sa Basilan ang mga tauhan ng 1st Marine Brigade na ilang taon ding nagbigay-seguridad sa naturang lalawigan.

Nabatid na ililipat ang mga ito sa Cotabato City para tumulong naman sa Philippine National Police (PNP) sa pagresolba ng mga kaso ng kidnapping at pagpapasabog sa lugar.

Inihayag ni Ortiz na ang Special Operations Task Force Basilan ay pamumunuan ni Southern Command Deputy Commander Col. Nicanor Dolojan at nasa ilalim nito ang Army Special Operations Command at 4th Scout Ranger Batallion.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply