Temparatura sa bansa mas lalamig pa

INAASAHANG mas lalamig pa ang panahon sa mga susunod na linggo bunsod na paparating na Kapaskuhan at magtatapos sa Pebrero sa susunod na taon, ayon sa weather forecasters.

Sinabi ni Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) forecaster Joel Jesusa, ang paglamig ng panahon ay dahil sa northeast monsoon (amihan).

“We can expect the northeast monsoon to cause cooler temperatures. The coldest period is expected to be in January and February,” ayon kay Jesusa sa isang panayam sa dzBB.

Ayon pa kay Jesusa, mararanasan ang pagbaba ng temperatura hanggang 18-19 degrees Celsius  sa kalagitnaan ng Disyembre at Pebrero.

“Temperatures will go down further, probably down to 18 to 19 degrees in December to February,” dadgdag pa nito.
Inaasahan naman ngayong Miyerkules na magiging maulap ang panahon sa Northen at Southern Luzon.

Nabatid pa sa PAGASA’s sa kanilang 5 a.m. bulletin na  magiging maulan ang Mindanao dahil sa  Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

“Northern and Central Luzon will experience mostly cloudy skies with light rains and isolated thunderstorms while Mindanao will have mostly cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms. The rest of the country will be partly cloudy to cloudy with isolated rainshowers or thunderstorms,” ayon pa sa PAGASA.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply