Tickets ng solons sagot ni Pacquiao

INALOK umano ni seven-division world boxing champion Manny Pacquiao ang kanyang mga kasamahang mambabatas ng free accommodations at ringside tickets kung gusto ng mga itong manood ng laban nila ni Antonio Margarito sa Linggo.

Gayunman, sinabi ni Pacman na kailangang sila ang magbayad ng kanilang mga tickets sa eroplano hanggang Texas, ayon kay Surigao del Sur Rep. Philip Pichay.

Si Pacquiao na kinatawan ng  Sarangani province ay haharap kay Margarito sa 12-round bout para sa World Boxing Council (WBC) super-welterweight title sa Cowboys Stadium sa Arlington.

Tiniyak naman ng Kamara na ang mga mambabatas na manonood ng laban ay mamarkahang absent.

Sapul naman nang magbukas ang 15th session ng Kongreso kamakalawa ay absent na rin si Pacquiao. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply