Tigil trabaho ng mga labor group isasagawa na bukas

HANDA na ang iba’t ibang labor group sa isang malawakang tigil-trabaho bukas, kasabay sa paggunita ng ika-147 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio para igiit ang dagdag-sweldo at pagbasura sa sistema ng contractualization sa mga manggagawa.
Ayon kay Kilusang Mayo Uno (KMU) Spokesperson Elmer Labug na papasok muna sila sa kanilang mga trabaho bukas bago sila sabay-sabay na magsasagawa ng walkout para dumiretso sa pagwewelga sa lansangan.

Ngayong araw ay may patikim na kilos-protesta na ang grupong Kilusan ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan na isasabay sa pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Bonifacio sa Lawton, Maynila.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply