‘Till My Heartaches End’ bokya sa takilya

BUMPED into director Jose Javier Reyes recently at binati namin siya dahil sa mahusay na pagkakagawa (writing and direction) ng kanyang latest movie, ang ‘Till My Heartaches End, na prinodyus ng Star Cinema at ABS-CBN Film Productions.

While Direk Joey was simply elated at nagpasalamat siya sa magandang feedback, ikinalulungkot niyang ibalita rin sa amin, na hindi kumita, ayon sa inaasahan, ang nasabing pelikula ng sikat na tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson.

“Well, I guess, nakaapekto talaga ‘yung naging “gulo” and ‘yung hindi maayos na takbo ng relasyon nina Gerald at Kim, before the movie was shown,” opinyon ni Direk Joey, “pero, hindi naman masama, as in, kumita pa rin naman ang movie; hindi nga lang as expected.”

Very generous si Direk Joey sa pagbibigay ng info hinggil sa estimated box-office figure ng ‘Till My Heartaches End, sa unang isa o dalawang linggo nito. “65 (million pesos),” sabi niya. “Ang expected nila, mga 90 million (pesos)!”

Malaki-laking milyones din nga ang difference, kung susumahin.  But 65 million is still 65 million pesos.  At sa loob lang ito ng dalawang linggo.  Palabas pa rin naman ang latest Kimerald movie, kaya dapat manood uli ang mga fans, para madagdagan pa ang kita ng pelikula ng kanilang idols.

E, ang Kimerald fans ding ito ang maingay at nagpu-protesta, di ba? Dahil sa napabalitang relasyon daw nina Gerald at Kapamilya star, Bea Alonzo.  Kaya ayaw nilang suportahan ang pelikula nina Gerald at Kim, na may pagbabanta pa kay Gerald, dahil hate nila si Bea for him!

O, ayan, nabawasan tuloy ang box-office gross ng movie nila. But the director of Kim and Gerald only has praises for his two young stars, na ngayon lang niya nai-direk.

“Mababait silang bata.  At mahusay umarte, kaya enjoy naman ako na idirek sila,” sabi ni Joey Reyes.

If given a chance, gusto niyang gumawa uli ng Kimerald movie, o depende na lang sa Star Cinema, lalo’t hindi ayon sa inaasahan ang kinita ng ‘Till My Heartaches End.

Samantala, dahil sa napabalita ring pagbe-break na, diumano, nina Gerald Anderson at Bea Alonzo, matapos ang ginawa nilang show sa London, hindi kaya magkaroon ito ng “pahabol” na positibong epekto sa movie ng Kimerald, habang nasa mga theaters pa?

As in, ‘delayed patronage’ ng fans, gano’n?  Sana, kahit hindi die-hard fans ng Kim at Gerald team-up ay magkainteres panoorin ang pelikula, dahil kakaibang young love team movie ang obra na ito ni Direk Joey Reyes.  At sabi nga niya, excited siya noon pa lang magsisimula siya sa project, dahil nakikita niyang parehong seryoso sa pagiging artista nila ang dalawa niyang bida.

*  *  *

Although hindi pa confirmed, masayang ibinalita kamakailan ni Fanny Serrano na mayroong filmfest programmers abroad na nakikipag-usap sa kanyang Tarima director, Neal Tan, at publicist (Bibsy Carballo) tungkol sa possibility ng paglahok ng indie movie nila sa dalawang international filmfest.

Ang kausap ni direk Neal ay mula sa Torino International Filmfest, sa Italy; at ‘yung kay Bibsy naman, mula sa Soho Filmfest, sa Amerika.

“Nakakatuwang prospects, kaya excited si direk Neal, at tuwang-tuwa ring ibinalita ni Bibsy na interested ang taga-Soho Filmfest,” sabi rin ni TF.

Pero ang local reviews sa Tarima ay overwhelming, na labis ipinagpapasalamat talaga ni TF.

Kabilang sa latest scholarly review on Tarima ay mula sa site na click.the.city.com, sinulat ni Philbert Ortiz Dy (“Lives In Cages”), na positive ang mga pagbanggit; hindi ibinilang ang Tarima bilang isang “lurid at exploitative” gay-themed indie film.

Ayon kay Dy, Tarima is “a powerful character study and an incisive examination of culture, as a whole.”

May paghahambing din tungkol sa pagpapakita ng prison life, sa Tarima, at iba pang pelikula, which show it “as a bleak and hopeless place.”

Pero, sabi rin sa review, “The real story of imprisonment in this film lies in the story of the main character Roselo, wonderfully portrayed by Fanny Serrano.

“In him, we see a person trapped by his own faith and the shame forced upon him by his family. Strangely fearful of his own needs, compassion becomes his only means of escape. This is one of the most sophisticated portrayals of homosexuality I’ve ever seen on film!”

May mga technical glitches man, dagdag pa sa review ni Philbert Dy, tulad sa hindi masyadong pulidong pagkakalapat ng tunog, “There’s no denying how powerful Fanny Serrano’s performance is!

“Every moment in this film is just tinged with tragedy, much of it coming from Serrano’s expressions. In every frame, he’s showing us a person that grew up in loneliness, trying and failing to muster up the strength to change his situation.

“It’s brutal and brilliant, and Serrano deserves much of the credit for this film’s appeal. The supporting cast is solid… But this is really Serrano’s show!”

Sa kabuuan, Tarima is “subtly audacious and generally compelling,” sabi rin ni Dy.  Hindi nang-disappoint ang pelikula, and, “Add to this, a great performance from Fanny Serrano, and it is a gay film that I could pretty much recommend to anybody.”

Naiyak si TF nang mabasa ang nasabing review.

“Naramdaman kong nagmula talaga sa kaibuturan ng puso niya!  Ramdam na ramdam ko, na naramdaman niya ang puso ng Tarima, sa totoo lang!” saad din ni Fanny, na lubos ang pagpapasalamat kay Philbert Ortiz Dy.

RENE SALUD AND OSCAR PERALTA. Ang collegue-friends ni Fanny Serrano, sa fashion industry business, na sina Renee Salud at Oscar Peralta, ay masayang-masaya rin para sa kanilang kaibigang aktor, dahil sa succeess ng Tarima.

“I’m so happy for Fanny!  I think he’s more of an ‘actress’… hindi actor!” kuwelang pahayag ni ‘Mama’ Rene Salud nang makausap nang PEP at hingan ng pahayag para sa kaibigang beauty stylist-cum-fashion designer-cum-actor/actress.

Tulad ni TF, gumanap din sa mga pelikula si Rene Salud noong ’70s at ’80s, na ang pinaka-memorable ay ang Ang Tatay Kong Nanay (1978), with Dolphy and Nino Muhlach, directed by Lino Brocka (National Artist for Film).

“Medyo umaarte naman (ako) nang konti; actually, yung pag-aartista naman, para sa akin, hindi naman talaga career, e, kundi para sa akin, para may respite lang, from my everyday work ko, na tahi nang tahi; design nang design.  So, for a change (lang) naman…”

On the other hand, si Oscar Peralta, na isang gay beauty queen (first Miss Gay Universe winner noong early ’70s) ay nakilala ring artista, sa TV at pelikula, bukod sa pagiging isa sa mga top fashion designers noong ’70s,  na sumunod sa batch ng mga Pitoy Moreno, Ben Farrales, Aureo Alonzo, at iba pang nakilala sa larangan.

“Kami talaga nina Fanny ang magkakasabayan noon, at naging magkakaibigan kami, kasi wala sa aming inggitan,” matapat na wika rin ni Oscar Peralta.

In fact, sa Tarima ay kasali sa cast si Oscar P., bilang si Olga, the kind-hearted inmate.  Para sa pelikula, at upang maging credible ang character, pumayag si Oscar Peralta na huwag magsuot ng wig sa kanyang mga eksena.

“Kulang pa nga ‘yon.  Maraming eksenang na-edit, may away pa kami ni Chokoleit (as Ringgo, co-jail inmate na kaibigan ni Roselo, Fanny’s character), pero sabi ni direk Neal, ‘Oscar, sorry, kasi ‘yung pagmumura mo sa eksena n’yo ni Chokoleit, parang hindi natural ang pagkakabitiw…”

Bagay na hindi dinamdam ng gay character actor, para sa ikakaganda ng pelikula.

“I’m happy for Fanny dahil major comeback niya ito, bilang lead actor,” saad din ni Oscar. “Na magaganda ang feedback sa movie, ibig sabihin, we did just right!”

Kung may pagkakataon, gusto rin ni Oscar Peralta na magsama-sama sila nina TF at Rene Salud sa isa ring indie gay-themed movie.

“Why not? Masaya ‘yon, ‘pag nagkataon,”  natutuwang sabi rin niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply