Timbang isasakripisyo ni Martinez para kay Pacman

IPINAHAYAG kahapon ni WBC middleweight titlist Sergio Martinez na handa siyang bumaba ng timbang para makaharap si 8-division world champion Manny Pacquiao.

Nagsalita si Martinez matapos mapasama ang kanyang pangalan sa mga posibleng makakaharap ni Pacquiao sa muling pagsampa nito sa ring.

Hawak ni Martinez ang 160 pound-division title matapos idemolis ang former world champion na si Kelly Pavlik.

Ang Argentinian boxer ay may professional record na 46-2-2, kung saan 25 ay sa pamamagitan ng knockouts.

“If Manny is willing to defend his WBC super welterweight title, I would come down to 154 pounds to challenge him for it as well as allow him to challenge me for my WBC middleweight title,” ayon sa 35-anyos na si Martinez.

Aminado pa si Martinez na “opportunity of a lifetime” na makalaban si Pacquiao.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply