Toni Gonzaga, sarado pa rin ang puso kay Mariel Rodriguez

SARADO pa rin ang puso ni Toni Gonzaga pagdating sa ex-bestfriend niyang si Mariel Rodriguez. Sa set ng “My Amnesia Girl” ay natanong namin siya na since Christmas is fast- approaching, may balak ba siya to bury the hatchet at makipagbati na kay Mariel.

“Huwag muna ngayon. Hindi naman siya kasama sa movie namin ni John Lloyd kaya huwag natin siyang pag-usapan. Darating din ang panahon na mapag-uusapan din ang tungkol sa bagay na ito,”pag-iwas ni Toni sa isyu.

Napaka-swerte nga niya na makatambal si John Lloyd Cruz at mismong siya ay umamin na naka-ilang shooting days na sila ng pelikula bago nag-sink in sa kanya na siya na nga ang latest leading lady ni Lloydie.

Marami ang nagsasabi na siya ang pinalit ng Star Cinema kay Sarah Geronimo nang mag-inarte ang huli na gumawa ng third team-up nito with John Lloyd. So Sarah’s lost is Toni’s gain!

May kissing scene din sila dito ni Lloydie at nalanghap niya ang hubad na katawan ng aktor! Yes, this is  JL’s boldest role yet!

Naloka lang si Lloydie sa isang hypothetical question ng isang press sa kanya. Patuloy rin ba niyang mamahalin ang isang taong pinipilit na siyang kalimutan?

“Sana lang hindi ma-taken out of context ang sasabihin ko. Basta I will answer in general na lang. Para sa isang taong nagmamahal, dapat lang ipaglaban mo siya,”makahulugan na sagot ni Lloydie.

Hanggang ngayon kasi ay mainit pa ring pinag-uusapan ang patuloy na pagti-text niya sa ex-GF niyang si Ruffa Gutierrez na marami naman ang nagsasabing ikinaseselos nang husto ng current GF ni JL na si Shaina Magdayao.

Anyway, ayon kay Direk Cathy Garcia-Molina wala raw kinalaman ang “My Amnesia Girl” sa “50 First Dates” ni Adam Sandler at Drew Barrymore. Nagkataon lang na parehong may amnesia ang lead actress ng dalawang movies but the similarity ends there!

***

Bongga talaga si Richard Gutierrez at siya na naman ang kauna-unahang celebrity na nagkaroon ng sarili niyang signature watch mula sa Bench. Ito ang Gutz Watch na nagkakahalaga ng P9,450!

Nagkaroon siya ng bonggang launching sa The Establishment at The Fort noong Lunes ng gabi. Inintroduce rin ang special edition ng Red Gutz fragrance na ginawa talaga for the holiday season.

Siyempre pa tinanong ng press ang tsika sa kanilang dalawa ni Solenn Heussaff na nakasama niya sa taping the Survivor Phils Celebrity Showdown. Nakakatawa kasing isipin na nali-link siya ngayon kay Solenn na sister ni Arwan na balitang boyfriend ngayon ni Anne Curtis na ex-GF naman niya.

“We’re just hanging out. Ganoon lang for now. Hindi naman kami nagmamadali. Dami ko kasing trabaho. Siya rin, she’s very much in demand. Kaya okey lang kami na nagde-date muna,”pahayag ni Richard na aminadong exclusive ang pakikipag-date niya kay Solenn.

***

Binuksan ni Marvin Agustin ang kanyang 10th resto sa Newport Mall, Resorts World na malapit sa NAIA. It’s called Johnny Chow na nagse-serve ng Asian cuisine. Masarap ang food dito at bongga ang ambiance.

Kagagaling lang din niya sa Brussels International Filmfest kung saan he was invited as one of the judges. Hindi daw niya ginapang na manalo ang Phil entry na “Donor” as best picture at si Meryll Soriano bilang best actress. Nagkataon lang daw na very much impressed ang mga taga-Belgian sa kakayahan nating mga Pinoy.

Nagsimula na ring mag-taping si Marvin sa Beauty Queen ni Iza Calzado. And he is also the latest celebrity endorser of Tupperware. Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply