Toni, masama ang loob kay Robin Padilla

HINDI ikinasama ng loob ni Toni Gonzaga ang pagtanggi ni Robin Padilla na magkasama sila sa movie under Star Cinema kahit na tinanggap ng actor ang isang project with Bea Alonzo.

Ayon kay Toni, nauunawaan raw niya dahil hindi na siya bago sa industry para magdamdam pa or magulat.

“Wala akong sama ng loob kay Robin Padilla. Lahat naman tayo talaga may kanya-kayang nakalatag na proyekto, it just so happen na tumanggi si Robin sa akin. Wala ng magagawa. I think yun talaga ang gusto niyang gawin. I`m happy for Bea kasi she deserves it and napakahusay ni Bea,” say ni Toni sa presscon ng “My Amnesia Girl.”

Kahit hindi natuloy ang movie nila ni Robin ay may kapalit naman ito na mas nakakakilig na movie, ito nga ang My Amnesia Girl na kapartner niya ang sikat na si John Lloyd Cruz.

“Sabi nga kapag may nawalang project ay may darating na ibang project at ito nga ang pagtatambal namin ni John Lloyd,” say pa ni Toni.

************

Masayang nagbalik ng Pilipinas si Bb Pilipinas International Krista Kleiner pagkatapos niyang lumaban sa 2010 Miss International sa China.

Hindi nanalo si Krista pero nakakuha naman siya ng special award tulad ng Miss Talent at Miss Expressive.

“I really did my best. I worked hard for the pageant. Even if I didn’t win, hindi nabale-wala ang mga pinaghirapan ko. I thank God that He was always there beside me and always guiding me,” pahayag ni Krista.

Pero may sad experience din siyang naranasan sa China pagkatapos ng pageant. Gusto niyang ibulgar hindi para siraan ang mga pageant organizer sa China, kundi para maging maingat ang mga babaeng contestant na nagre-represent ng kanilang bansa.

Tsika ni Krista, naimbitahan siya at ilan kasamahan sa beauty contest ng mga organizer na mag-stay pa sa China ng ilang araw na ikinatuwa naman nila. Laking gulat raw niya nang pasakayin sila sa isang bus at nagbiyahe ng sobrang haba.

“It was okey for me to stay longer kasi baka nga may magandang mangyari. But then we were asked to ride this bus. May pupuntahan daw kami and all of the sudden may inabot sa amin,like they are asking us to promote something, I didn’t agree with.

“Hindi nila sinasabi kung anong product yun. Tapos daming press. At may banner sa harapan namin na hindi namin alam ang nakasulat.

“Ini-exploit na kami. It`s not fair! Hindi naman kami winners na binabayaran or anything, we were jusk asked to be nice and you know to stay with them,” tsika pa ni Krista.

Kasama ni Krista sa naturang biyahe sina Miss Lithuania, Miss Mexico, Miss Japan at Miss Ukraine. Si Krista lang ang marunong mag-English sa grupo at siya ang nakikipag-usap sa Chinese translator para malaman ang mga nangyayari.

“The girls asked me to talk with these people who are forcing us to promote this product. They know kasi that I`m familiar with this kind of business. And I`m the only one who can talk to them in straight English.

“I talked with the PR of the company and I said that we have our rights to know what they are doing to us.Tumawa lang yung PR ng company, sabi niya, “Anong right ninyo?

“I told the Chinese translator na sabihin sa kanya kung hindi kami irerespeto gusto kong umalis na. Sabi niya, “We`ll talk about it tomorrow, Ita-translate niya raw,” patuloy na tsika pa ni Krista.

The next day nakatanggap si Krista ng memo mula sa Chinese translator na may maghahatid na sa kanya sa airport para makabalik na siya ng Pinas.

“Tapos sabi ng Chinese translator sa amin noong pauwi na kami,”Because mas marami ka nang alam sa industry na yan at ikaw mas magaling sa Ingles, ikaw na lang ang gusto nilang tanggalin.

“Hindi alam ng ibang candidates na hindi maganda ang nangyayari, so kaya nilang paikutin. They don’t have the right to treat us that way. We represent our countries and it`s not proper for them to force us to endorse some products,” nalulungkot na hinaing ni Krista.

*************

Kahapon, Sunday nakilala na ang Final Four Star Factor ng TV5 dahil tatlo ang natanggal sa pitong natirang Star Hopefuls.

Malapit na grand finals ng Star Factor dahil mula sa Final Four ay magiging isa na lang ito na siyang tatanghaling the first grand winner ng Star Factor at magkakamit ng grand prize package na P1M cash, P1M, TV5 management contract, isang three bedroom, two storey house and lot at ang pagkakataon maging brightest teen star ng TV5.

As expected nagsi-iyak ang tatlong natsugi last Sunday sa contest at masayang-masaya naman ang natirang Final Four dahil kahit anong mangyari ay panalo na silang apat.

At hindi rin dapat malungkot ang tatlong natanggal dahil sigurado na rin ang kanilang showbiz career.,Pinapirma na rin kasi sila ng kontrata sa TV 5. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply