Tourism Act binastos ng kalihim

LUMALABAS na pambabastos sa batas ang pagbabalewala ni Tourism Secretary Alberto Lim sa Tourism Act of 2009 dahil sa hindi niya pagkonsulta sa mga pribadong sektor hinggil sa plano at mga programa ng Department of Tourism (DOT).

Dahil dito, hiniling ng Tourism Congress of the Philippines, ang pribadong consultative body na itinatag sa bisa ng Tourism Act of 2009, sa Commission on Appointments (CA) na ipawalang-bisa ang appointment ni
Lim bilang kalihim ng DOT.

Umalma ang Tourism Congress Board of Trustees sa pamamalakad ni Lim makaraang mapatunayang walang opisyal na plano ang bagong administrasyon na maaaring mapakinabangan ng business sector na may kinalaman sa promotion, marketing, at business development sa nasabing industriya.

Ayon sa Congress, isinasaad sa batas na sa bawat programa at plano ng ahensya ng turismo ay nararapat itong ikonsulta sa mga “stakeholder.” Ngunit hindi umano ito ginagawa ni Lim.

“He has manifested either crass ignorance of or brazen disregard for the provisions of Republic Act 9593 (Tourism Act of 2009), insofar as the participation of the private sector is concerned in the development of our official tourism policies and program,” pahayag ng Tourism Congress sa isang statement. Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply