Traffic jam malala sa Metro Manila dahil sa ulan at baha

Napuno ng pedestrians ang mga pangunahing lansangan ng Metro Manila, pati na ilang bahagi ng Quezon City simula hapon hanggang gabi ng Lunes matapos umulan at bumaha.

Nagdulot ito ng malalang traffic jam. Natengga ang mga sasakayan partikular na sa bandang Ermita at Port Area.

Naapektuhan din ng problema sa  trapiko ang may bandang Welcome Rotonda hanggang bago mag-Delta sa Quezon Avenue.

Di rin nakausad ang mga motorista sa kahabaan ng EDSA  o Epifanio delos Santos Avenue.

Napilitang maglakad ang mga estudyante, empleyado, manggagawa, matatanda, pati na ang  mga inang may karga-kargang mga anak upang makauwi agad sa kanilang mga tirahan. Uminit naman ang ulo ng mga motorista dahil sa tagal ng pagtirik ng kanilang mga sasakyan sa kalsada.

Naglabas ng weather bulletin ang  Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration bandang alas-singko ng hapon.

Anang Pag-asa, may namataang low pressure area na 210 kilometro hilaga-kanluran ng Puerto Princesa, Palawan bandang alas-dos ng hapon. Ang LPA ay magdadala ng ulan at maulap na papawirin, ayon sa report.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply