Travel advisory ng France dinedma ng Malacañang

TANGGAP ng Malakanyang ang muling pagpapalabas ng  travel ban ng bansang France laban sa Pilipinas.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na walang dapat na ikapikon ang pamahalaan sa aspetong ito dahil alam naman ng lahat na secure ang mga dayuhan sa bansa kahit pa nalalapit na ang holiday season.

“We welcome that decision. We have already said in the past, the President feels that there is no basis as it should have been…the modification of  France is a welcome development,”  wika ni Valte.

Kamakailan ay muling nagpalabas ng travel advisory ang France laban sa Pilipinas dahil sa diumano’y paglala ng kriminalidad sa panahon ng holiday season. Ang panibagong travel advisory ay inilabas ng France matapos ang ginawang babala naman nito sa kanyang mga kababayan sa posibleng  terrorist attacks sa bansa.

Sa bagong travel advisory nito ay malinaw na nakasaad ang “general crime and kidnappings are expected to rise throughout the Philippines, particularly during this period. General crime and kidnappings are rising each year throughout the Philippines at the approaching holiday season and during this period.”

Bukod sa France ay nagpalabas din ng kanilang advisory warning dahil sa posibleng  terrorist attacks sa Pilipinas ang mga bansang katulad ng Estados Unidos, United Kingdom, Australia, New Zealand at Canada. Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply