Travel ban pinakokontra kay PNoy

IGINIIT  ng isang senador kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na dapat nang maghain ng protestang diplomatiko laban sa ipinalabas na travel ban ng limang makapangyarihang bansa hinggil sa posibleng pag-atake ng terorista sa Pilipinas.

Sa kanyang birthday press conference nitong Biyernes, sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na marapat lamang na maghain ng diplomatic protest ang administrasyon kung sadyang “haka-haka” lamang ang bantang pag-atake ng terorista.

“It would be prudent if the Department of Foreign Affairs and the Office of the President to communicate with these embassies, what are their basis and if the basis is valid, then we have to address that. If it is not valid meaning its raw information, raw intelligence report, then we should file diplomatic protest  against these countries,”diin ng senador.

Nitong nakaraang linggo, nagpalabas ng travel ban sa bansa ang United States, Australia, New Zealand, Canada, Great Britain,at ngayon ang France matapos masabat ng awtoridad sa Yemen ang isang pakete ng bomba na papuntang Amerika kamakailan.  Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply