Tricycle driver utas sa bala

Butas ang ulo ng isang tricycle driver makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang pumapasada, sa Quezon City.

Dead on the spot ang biktimang si Nonelo Soriano, Jr., 33, residente sa 140 Philand Extension, Brgy. Pasong Tamo, ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat ni PO3 Joselito Mendoza, nangyari ang insidente sa may Congressional Avenue, Brgy Culiat, ganap na alas-9:00 ng gabi.

Habang namamasada ang biktima, sakay ng kanyang tricycle na may plakang TN-1645, nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng baril at pinaputukan ito sa ulo.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang tricycle na nagsilbing get away patungo sa hindi mabatid na direksyon.

May hinala ang mga awtoridad na paghihiganti ang dahilan kaya pinatay nito ang biktima. (James de Jesus)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply