Trillanes, baka abutin pa ng Pasko sa kulungan

MAAARING isang Pasko pa ang ipapamalagi ni Sen. Antonio Trillanes IV sa kulungan. Ito ay dahil sa mahaba pa ang prosesong pagdadaanan ng amnestiya para sa kanya.

“It will still go through the process,” ani Speaker Feliciano Belmonte sa isang press conference nitong Huwebes, kung saan nangako siyang mapabilis ang pagpapasa sa Proclamation No. 75.

Ang nasabing proklamasyon ang nag-aamyenda sa Proclamation No. 50 na naunang inisyu ni President Benigno Aquino III noong October 11.

Ani Belmonte, isinumite na sa kanya nitong Miyerkules ni Executive Secretary Pacquito “Jojo” Ochoa ang binagong amnesty proclamation kung saan nakasaad na “proclamation shall take effect upon concurrence of majority of all members of Congress. Hindi ito nakalagay sa naunang proclamation.

“Yes, we received the amended (proclamation) two days ago. Mas detailed…it will take effect after the publication and after the Congress approves it. (It) is necessary for the Congress to concur it, then publication na,” sinabi pa Belmonte.

Ang pag-apruba ng inamyendahang proclamation ay nakabatay sa House Concurrent Resolution (HCR) No. 07. Nagsusulong itong maaprubahan ng Kongreso ang amnesty proclamation ni Aquino.

Ang pangunahing may-akda ng resolusyon ay sina Belmonte, Deputy Speaker Lorenzo Tanada III, at Majority Leader Neptali “Boyet” Gonzales II. Meliza Maluntag

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply