Trillanes, magpapasko sa kulungan – Enrile

BITIN pa ang “magandang pasko” ni Sen. Antonio Trillanes IV matapos tiyakin ni Senate President Juan Ponce Enrile na hindi pa makalalaya ang senador bago sumapit ang Kapaskuhan dahil  wala ito sa kamay ng Senado.

Ayon kay Enrile, nasa kamay ng Department of National Defense, at wala sa Senado ang magiging kapalaran ng amnestiya ni Trillanes kabilang ang lahat ng mga sundalong nag-aklas sa nakaraang administrasyon.

Tanging tungkulin lamang umano ng Senado na ayudahan o aprubahan ang bagong bersiyon ng amnesty proclamation ni Pangulong Benigno Aquino III na siyang nakatakda sa Saligang Batas.

“Concurrence lang ang Senado, at wala sa kamay namin ang buong proseso ng amnestiya,” paliwanag ni Enrile.

Bukod dito, wala na umanong magagawa ang Senado sa iba pang mga proseso na pagdadaanan ng amnestiya, gaya halimbawa sa pag-aapply para dito.

Ayon kay Enrile, sa Department of National Defense (DND) na umano mapupunta ang bola kung ano ang mga gagawin sa aplikasyon ng mga nagsipag-aklas na sundalo na mag-a-avail ng kanilang amnestiya.

Gayunman, tiniyak pa ng senador na tatapusin nila ngayong linggo ang budget deliberations, para matalakay agad o ire-refer nila sa komite ang Proclamation No. 75 o ang Amended Amnesty Proclamation bago tuluyang pagtibayin sa plenary. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply