Trillanes suportado ng mga dayuhan

Pinamamadali  ng International Parliamentary Union (IPU) ang Kongreso na “bilisan” ang pagpapatibay ng Proclamation No. 50 na nagbibigay ng amnestiya kay Sen. Antonio Trillanes at iba pang opisyal at sundalo na kumalaban sa administrasyong Arroyo.

Sa kanyang liham kay Atty. Reynaldo Robles, chief of staff ni Trillanes, sinabi ni Ingeborg Schwarz, secretary ng Committee on Human Rights of Parliamentarians ng IPU na matagal nang pinagtibay ng IPU ang resolusyon na sumusuporta sa hangarin ng senador na mapalaya sa kulungan sa 123rd general assembly noong nakaraang buwan sa Geneva.

Sinabi sa resolusyon na isinulong ng Committee on Human Rights of Parliamentarians na lubhang nasisiyahan ang IPU sa panukalang mabigyan ng amnestiya si Trillanes upang mahusay nitong maipatupad ang kanyang tungkulin bilang mambabatas at katawanin ang mahigit 11 milyong Filipino na bomoto sa kanya.

“We hope that by the time of the next session of the Committee on the Human Rights of Parliamentarians (January 17-20, 2011), the procedure of amnesty granting may have advanced” so that Trillanes can “effectively exercise his parliamentary mandate,” ayon kay Schwarz. (Ernie Reyes)

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply