Truck nahulog sa Benguet, 1 patay, 2 sugatan

PATAY ang isang pahinante habang sugatan ang dalawa pa matapos mahulog ang isang truck sa isang bangin sa Buguias, Benguet.
Batay sa ulat ni Benguet Provincial Police Intelligence Officer Supt. Mario Mayam-es, patay ang pahinante ng bus na si Geo Gerson Kitongan habang sugatan naman ang hindi pa kilalang driver at isa pang pasahero nito.
Sinabi ni Mayam-es, sumabog ang gulong ng naturang truck habang binabagtas ang highway ng Barangay Buyacawan dahilan upang mahulog ito sa bangin na may lalim na 70 metro.
Isinugod naman ang dalawang sugatan sa isang ospital sa Barangay Abatan, Benguet.
loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply