Tsina-Iraq: 2-3 taong kaso may bitay; sa Pinas?

JUSTICE delayed is justice denied. Ito yata ang katotohanan ukol sa katarungan sa mahal kong Pinas.

Tingnan ninyo, mga Bro, magbe-20 taon na ang Vizconde rape-massacre, eh, wala pang pinal na desisyon ang Korte Suprema. Baka mamatay na lang sa katandaan ang kawawang si Mang Lauro Vizconde nang hindi niya masilayan ang pinal na desisyon ukol sa kanyang pamilya na inubos ng krimen.

Hanggang ngayon, nakalulungkot tingnan na malimit mag-isa na lang si Mang Lauro na nagtitirik ng kandila tuwing Undas at tuwing sumasapit ang Hunyo 30 simula noong 1991 nang pinatay ang kanyang misis na si Estrellita at mga anak na sina Carmela at Anna Marie Jennifer sa kanilang tahanan sa BF Homes, Parañaque City.

Si Carmela ang ni-rape na anak.

Ngayon, mga Bro, isang taon na ang Maguindanao massacre pero iisa pa lang sa mga utak ng krimen ang nasasampahan ng kaso, si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. Eh nasa 80 ang akusado at mahigit sa 100 ang hinahanap pa.

Kung inabot ang Vizconde massacre ng 20 years, di lalong mas matagal ang paglilitis sa kaso ng Maguindanao massacre? Sa dami ba naman ng mga akusado at dami ng mga biktima, kabilang na ang 32 o 33 na mediamen, kung patay na rin ang photog na si Momay.

Baka patay o bumaligtad na ang ilang testigo, patay na ang mga balo at patay na rin ang mga akusado sa katandaan, eh, wala pang pinal na desisyon dito!

oOo

Dito natin naalaala ang tatlong Pinoy na bibitayin sa Tsina bago ang Kapaskuhan. Kabilang ang tatlo sa apat na Pinay at isang Pinoy na nahatulan ng bitay sa drug trafficking.

Alam ba ninyong dalawang taon lang ang itinagal ng kanilang kaso mula sa kanilang pagkakaaresto, trial at pinal na desisyon?

Firing squad, mga Bro, ang pambibitay sa kanila.

Naalaala rin natin ang kaso ni Saddam Hussein.

Nahuli siya ng mga Kano noong Disyembre 14, 2003 at ipinasakamay siya sa gobyernong Iraq noong Hunyo 30, 2004. Makaraan ng 2-3 linggo, sinampahan siya ng kasong pagmasaker sa 148 katao sa Dujail, Iraq noong 1982.

Makaraan ang mahigit  isang taong paglilitis, idineklara siyang guilty noong Nobyembre 5, 2006.

Dumating ang Disyembre 30, 2006 o makalipas lamang ng isang buwan, tinalian siya sa leeg saka siya binitay.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply