Tuguegarao City Mayor sugatan sa shooting incident

NAGTAMO ng tama ng bala sa ilong si Tuguegarao City Mayor Delfin Ting matapos barilin ng isang unidentified gunman sa harapan ng hotel, Lunes ng gabi.
Ayon kay Senior Superintendent Mao Aplasca, Cagayan police provincial director, binaril ang 72 anyos na city mayor habang nakatayo sa malapit sa entrance ng Hotel Delfino, kung saan siya nakatira,  sa Bonifacio Street, Tuguegarao.
Ayon sa inisyal na report, nagtamo ng tama ng bala sa nose bridge at agarang isinugod sa Saint Paul’s Hospital  si Ting  na nasa maayos nang kondisyon ngayon.
Base pa rin sa report ng pulisya, bago maganap ang insidente, nakakatanggap na ng death threat si Ting sa mga text sa kanyang mobile phone.
Malaki rin umano ang posibilidad na ang tangkang pagpatay sa kanya ay may kinalaman sa politika.
Patuloy pa ring inaalam  ng pulisya kung anong kalibre ng baril ang ginamit sa naturang insidente.
loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply