Tulisang pulis ng QCPD pati pera ng huli ay dinedekwat

Busisiin natin ang kaawa-awang sinapit ng isang dating caregiver sa Amerika na napagkamalang carnapper ng mga “Tulisang Pulis” ng Quezon City Police Department Station 9.

Ngayon ay nakaratay sa Quirino Hospital ang biktimang si Erick Garcia dahil sa tinamong tama ng bala sa likod nang pagbabarilin siya ng mga pulis.

Ang masakit nito, matapos na pagbabarilin ng mga malulupit na pulis ng Station 9 ay dinekwatan pa ng pera na hiniram lang niya sa pamangkin nito.

Sa kuwento ni Garcia, noong Oct. 26, 2010, kinausap daw siya ng kanyang kaibigan kung may alam daw siyang bibili ng Toyota Tamaraw na sasakyan. Sa kagustuhan niyang kumita ay tinawagan nito ang kanyang kaibigang pulis sa Station 9 at kanya itong inialok. Pinapunta raw siya ng kaibigang pulis sa nasabing presinto.

Pero habang hinihintay ng biktima ang kanyang kaibigang pulis, nakita niya ang papalapit na tatlong pulis na pawang  mga nakahugot ng mga baril. Sa takot ng biktima ay mabilis itong tumakbo hanggang sa pagbabarilin siya sa likod ng mga pulis at nang bumagsak siya ay pinosasan siya ng mga pulis nang patalikod at binitbit na parang baboy at saka inihagis sa kotse.

Ang isa pang masakit nito, matapos na pagbabarilin ng pulis si Garcia  ay dinekwat pa daw ni PO3 Caranza ang P31,000 nito na inutang sa pamangkin at cellphone.

Ang gusto lang na mangyari ng biktima ay ibalik lang ni Caranza ang pera na kinuha nito at ang kanyang cellphone.

Hoy, PO3 Caranza, mahiya ka naman!!!Ang kapal ng pagmumukha mo!!!

Hindi gawain ng isang pulis ang mandekwat ng mga gamit ng may gamit.

So far ay ikaw pa lang ang nalalaman kong pulis na pati ang gamit ng may gamit ng mga huli nila ay dinedekwat  pa!!!

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o e-mail sa juandesabog @ yahoo.com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply