Tumaba na at madungis: Dating sikat na action star, nagba-bus na lang

NAGHIHIRAP na ba ang   isang dating sikat na action star. Nagkapangalan siya noong dekada 90’s. Kaliwa’t kanan ang mga solo movies niya.

Nang humina ang action film ay unti-unti na rin siyang nawala sa sirkulasyon.

Nakikita na rin ngayon na nagco-commute  sa bus at madungis na daw itong tingnan.

Halos hindi na nga raw makilala ng aming source kung hindi pa daw niya ito kinausap at nagtanong  kung siya ba ‘yun? Ang laki nga raw ng itinaba at naging madungis na nga raw at nawala na ang kaguwapuhan ng actor na ito.

Produkto siya ng dating panghapong programa at nagkaroon ng anak sa isang kilalang actress at ex-beauty queen.

‘Yun na yun!

ARA MINA, GUSTO PANG MAGING COVER NG FHM

Kamakailan ay nakita si Ara Mina na nanood ng Musical show na “The Wedding Singer” kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend . Umabot na rin sila ng two years.

“Okay pa rin, steady. Dapat walang pressure kasi hindi mo naman masasabi, di ba? Kahit anytime kung gustong magpakasal bukas na bukas puwede pero hindi pa namin  napapag-usapan, e,” sambit niya sa isang panayam.

Pag 33 years old  na raw ni Ara balak  mag-asawa. “33 or 34, basta huwag lalagpas ng 35. Parang feeling ko kasi pag lumagpas ako ng 35, hindi na ako makakapag-asawa.

“Kasi ang mommy ko 32 siya nu’ng pinanganak ako so ano ang layo ng age gap namin ng mom ko, ako ‘yung panganay,” sey pa niya.

Tinanong din daw ni Ara kung puwede siyang magpapictorial ulit sa FHM bago mag-retire sa showbiz pero ang sagot  sa kanya ay pag-iisipan daw ng bf niya.

“Parang nag-try ako na magtanong kasi baka possible ulit na ano, di ba? Kasi isang beses pa lang naman ako nag-FHM. Sabi ko kasi gusto ko ulit kunwari mag-FHM bago ako mag-retire totally sa pagpapaseksi.”

“At saka siguro basta isang bonggacious na project, o puwedeng coffee table book, kung kakayanin ko ang ganu’ng karaming pictorial,” aniya pa.

‘Yun na!

ALJUR ABRENICA, WALA DAW GF KUNO

Buong ningning na sinasabi ni Aljur Abrenica  na  okey sila ni Rich Asuncion.

“Magkaibigan naman talaga kami,” aniya

Nag-dinner nga raw sila after ng Cosmo Bash? “Oo niyaya ko siya, pero marami kami, alam ng mga tao yan.”

Wala na ang loveteam nila ni Kris Bernal; sa tingin ba ni Aljur ay puwede na niyang ihantad sa publiko if ever may GF siya? O halimbawang maging espesyal ulit ang relasyon nila ni Rich?

“Ako naman kasi kung magkaka-girlfriend talaga ako ngayon ipapaalam ko sa lahat kasi ako rin yung mahihirapan, e.

“Kung magkaka-girlfriend ako ngayon, sasabihin ko sa lahat, aamin ako na may girlfriend ako.

“Pero ngayon wala e, wala talaga akong girlfriend ngayon, single po ako ngayon,”deklara niya.

Speaking of Aljur,mapapanood siya sa Zirkoh, Tomas Morato on  Nov 20, 9p.m. entitled “Luv 2 Laff”. Tampok din sina Jose Manalo, Wally Bayola with Knights Band  at ang Mocha Girls.

Watch na po sa Sabado….Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply