Tumalo kay Pacman lalaban kay Arce

HAHARAP si three-division champion Jorge ‘Travieso’ Arce (55-6-2, 42 KOs) kay dating flyweight champion Medgoen Singsurat (70-6, 48 KOs) sa Dec. 18 sa Mexico.

Si Singsurat ay nakilala nang matalo si Manny Pacquiao sa pamamagitan ng third round KO noon pang 1999.

Si Arce naman na nanalo na ng belts sa 108lbs, 112lbs at 115lbs ay umaasang magkakaroon ng pagkakataon na makaharap si WBO super bantamweight champion Wilfredo Vazquez Jr.

Ang laban nila ni Singsurat ay magaganap sa Campeche, Mexico kung saan kasama si “Aztec Princess” Jackie Nava (23-3-2, 11 KOs) at “Son of the Legend” Omar “Businessman” Chavez (24-0-2, 17 KOs) sa aksiyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply