Tyson-Mathis rematch sasambulat

Ipinahayag ni dating undefeated Buster Mathis Jr. na nais niyang makasapakan muli sa ibabaw ng ring si undisputed heavyweight champion Mike Tyson.

Unang nagtuos ang dalawa noong December 16, 1995 kung saan nanalo si Tyson matapos pabagsakin si Mathis.

Subalit pagkatapos ng laban ay namatay ang trainer ni Mathis na si Joey Fariello at hindi naglaon ay nahatulan ng tatlong taong pagkabilanggo si Tyson.

Ayon kay Mathis namatay din ang kanyang ama pagkatapos ng laban na iyon kaya ngayon ay nais niyang bumangon pagkatapos ng labinlimang taon dahil alam niyang maaaring lumabang muli si Tyson.

“I’m looking at him (Tyson) and I remember talking to Joey and saying, I can’t believe this small guy is knocking out people. Mike is very small and very short. When I looked at him, he was a small cat. I just remember my reaction being I could not believe how small he was and how he was knocking out guys much larger than him,” pagbabalik-tanaw ni Mathis bago ang sagupaan nila noon ng tinaguriang ‘bad boy’ sa ibabaw ng ring.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply