Ugat ng ‘gas leak’ sa Makati, Interchange ipinatong ng DPWH sa pipeline!

Noong ginagawa pa ang Magallanes interchange ay ipinatong ito sa “pipeline” ng First Philippine Industrial Corp. (FPIC).

Ito ang nasisilip na dahilan kung bakit nagkabutas ang 117-kilometrong tubo na siya namang naging sanhi ng “pagbukal” ng gasolina sa basement ng West Tower Condominium sa Bangkal, Makati City.

Sa isinagawang joint investigation kahapon ng Senate committee on environment and natural resources at ng committee on health and demography, sa pangunguna ni Sen. Juan Miguel Zubiri, tinukoy ng isang eksperto mula sa University of the Philippines (UP) ang kaugnayan ng bigat ng Magallanes interchange sa mga butas na nakita sa pipeline.

Ito ay matapos ang may limang buwang paghahanap sa “ugat” ng gas leak sa basement ng naturang condominium.
“I believe it’s the most logical explanation – there is a spatial correlation between the (Magallanes) interchange and the (discovered) leaks in the pipeline,” paliwanag ni Dr. Carlos Arcilla, isang kilalang geologist at director of the National Institute of Geological Sciences (NIGS), sa Unibersidad ng Pilipinas (UP).

Ang grupo ni Arcilla ay kinuha ng pamahalaan ng Makati City matapos mabigo ang mga awtoridad na matukoy ang pinagmumulan ng pagtagas na umabot na ngayon sa mahigit 163,400 litro ng gasolina, diesel at kerosene.

Nauna rito, mariin ang naging pagtanggi ng FPIC na ang 117-kilometrong pipeline nito na  nagmumula sa probinsiya ng Batangas, dumadaan sa Muntinlupa City, Makati City at nagtatapos sa Pandacan, Manila, ang dahilan ng gas leak na labis na nagdulot ng pangamba sa mga residente ng West Tower at mga karatig-lugar.

Ang posisyon ng FPIC ay batay naman sa ginawang pag-aaral ng mga kinuha nitong foreign experts na binayaran pa ng $2 milyon na nagsabing walang sira ang pipeline matapos ang pagsasagawa ng mga pag-aaral.

Nabatid na ang FPIC pipeline ay inilatag noong 1967 at naging “operational” noong 1969. Kalagitnaan naman ng dekada ’70 nang itayo ang Magallanes interchange.

Sinusugan ni Arcilla ang opinyon ng mga eksperto ng FPIC na nagkaroon ng “stress” ang pipeline matapos sa ibabaw nito itinayo ang pundasyon ng interchange.

Aniya pa, “sumobra” ang paniwala ng kumpanya sa husay ng mga dayuhang eksperto at hindi sa mga siyentistang Pinoy.

Agad namang humingi ng “sinserong” paumanhin at pag-unawa sa publiko at mga apektadong residente ang pamunuan ng FPIC, sa pangunguna nina Anthony Mabasa, officer-in-charge, at FPIC president Leonides Garde.

Sa kanyang testimonya, sinabi rin ni Mabasa na bago itinayo ang Magallanes interchange noong 1976, sumulat sila sa noon ay Ministry of Public Works and Highways hinggil sa posibleng epekto ng higanteng flyover sa kanilang pipeline.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply