‘Pang-aapi’ sa call center agents lalabanan ni Miriam

Bagamat malapit nang bansagan ang Pilipinas na world’s top call center hub, laganap naman umano ang pang-aapi sa mga call center agent ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Para mabalanse ang pag-unlad ng call center industry sa bansa at ang karapatan ng mga empleyado nito, kamakailang nagmungkahi ang senadora ng panukala para rito.

Ang inihain ni Santigo na Magna Carta for Call Center Workers Act of 2010 ay naglalayong garantiyahan ang karapatan ng call center agents na naaayon sa mga prinsipyong nakapaloob sa Saligang Batas.

Kabilang dito ang karapatan sa pag-oorganisa at paglahok sa unyon at karapatan sa ligtas at malusog na kaligiran sa pagtatrabaho.

Gagarantiyahan din ng panukala ang karapatan ng call center agents na magkaroon ng isang oras na pahinga sa loob ng walong oras na trabaho, sa karapatan sa privacy, sa kaligtasan ng mga night shift workers, at maunawaan nila ang termino at kondisyon sa kanilang job contracts.

“While the country’s economy owes a lot from the BPO (business process outsourcing) sector, there is a need to balance the legitimate business interests of BPO companies with the labor rights of its employees,” anang senadora.

Inihain ni Santiago ang panukala matapos mabahala sa mga ulat na pinagbabawalan umano ng BPO companies ang kanilang mga empleyado na magtatayo ng unyon.

“The Constitution guarantees all workers to self-organization, collective bargaining and negotiations, and peaceful concerted activities, including the right to strike in accordance with law,” ani Santigo. “BPO companies in the country are not exempt from this constitutional provision and should honor their employees’ rights.”

Sinabi rin ni Santiago na kailangan na mapanatili ng BPO companies ang pagkakaroon ng ligtas at malusog na kapaligiran sa pagtatrabaho.

Iniulat kamakailan ng International Labor Organization at Department of Labor and Employment na nanganganib ang call center agents sa health at occupational hazards partikular ang empleyado sa night shift.

Dumadanas ng maraming problema ang mga call center agent tulad ng stress, sleep disorder, fatigue, eye strain, at problema sa boses, ayon sa ulat

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply