Utol ni Bise walang awang nambugbog ng binatilyo

Walang habas na pinaggugulpi raw kahit na nagmamakaawa na ang isang 18 anyos na binatilyo ng ulol na kapatid ng vice-mayor ng Cainta, Rizal.

Pulitika ang naging ugat ng ginawang panggugulpi ng utol ni Cainta vice-Mayor Atoy Sicat.

Natalo raw ang erpat ni bise sa pagka-barangay kapitan noong nakaraang Oct. 25 Barangay at SK election kaya ang pinagdiskitahang gulpihin ay si Marjohn.

Mantakin,ninyo nasa loob na ng barangay ang binatilyo ay pinagbubugbog pa rin ng walanghiyang utol ni bise.

Alam naman niya na hindi na lumalaban ang binatilyo ay sige pa rin ang ginagawang pambubugbog kahit sa loob ng barangay hall ng Felix.

Samantalang ang mga ba-rangay tagay, este…tanod ay nakatunganga lang habang ginugulpi ng ulol na utol ni vice ang nasabing binatilyo.

O, Vice-Mayor Atoy Sicat, alam mo ba yang pinaggagawa ng utol mo?

Baka mentras na manalo ka kung anoman ang tatak-buhin mo sa 2013 local  election ay hindi ka na manalo niyan dahil sa utol mo.

PA-MEETING NG RMG  SA MGA GL

Opppsss, naispatan ng ating text-tipster  na nagpa-meeting daw si Supt. Espino ng RMG-Bicutan noong Huwebes ng 12:30 ng hapon  sa Chowking sa Macapagal  Ave., Pasay City.

Miniting daw ni Espino ang lahat ng mga gambling lord sa buong  Metro Manila.

Alam ninyo ba kung ano ang topic sa ginawang pa-meeting ni Espino?

I.N.T. or intelihensiya pa-ra sa Bicutan ang naging topic po ng meeting.

Ang balita ko ay payola umano ni NCRPO Dir. Gen. Nick Bartolome ang inuumang ng mga bata ni Espino na sina Hector Gapasen, Ramil Carel at Eric Custodio.

Gen. Bartolome, paki-imbestigahan ninyo ang ginagawa ni Espino.

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog @yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply