VACC, haharangin ang paglaya ni Biong

HAHARANGIN ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) ang paglaya ni dating policeman Gerardo Biong na na-convict kaugnay ng Vizconde massacre.

Ani Dante Jimenez, founding chairman ng VACC, magtutungo ang kanyang grupo sa opisina ng Department of Justice sa Maynila sa Martes upang i-rekwes kay DOJ Secretary Leila de Lima na i-recall ang order ng pagpapalaya kay Biong.

Anang VACC chair, ang kabuuang sentensiya kay Biong ay 16 taon at di 12 taon lamang dahil may four-year-sentence pa umano ang dating pulis kaugnay ng kasong tangkang pagpatay sa isang Danilo Cayubit.

Nauna nang sinabi ni De Lima na inaprubahan na niya ang rekomendasyon ng Bureau of Corrections na palayain na si Biong dahil napagdusahan na niya ang kanyang sentensiya.

Samantala, ipinagtanggol naman si Biong ng kanyang abogadong si Jose Flaminiano. Ayon dito, dapat nang makalaya ang kanyang kliyente dahil wala namang naging conviction sa Cayubit case.

Ani Flaminiano, sapat na rin ang ipinamalagi ni Biong sa kulungan batay sa kanyang sentensiya.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply