Vehicular accident sa NLEX, 2 patay

DALAWA katao ang patay matapos mawalan ng preno ang isang sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX) Bulacan, madaling-araw ng Huwebes.

Ayon kay Michael Pitelo ng Manila North Tollways Corp. (MNTC), binawian ng buhay ang dalawang biktima sa magkahiwalay na hospital sa naturang lalawigan na nakilalang sina Ronald Goday, 23 at Jomar del Maria.

“Ito ay papuntang Manila nang bigla ito mag-lose control. Papunta ito sa median, babawiin sana ng driver pabalik sa kalsada at nag-rollover,” ayon kay Pitelo sa panayam sa dzBB.

Bandang 12:50 a.m. nang maganap ang insidente kung saan nawalan ng preno ang isang Mitsubishi Adventure sa southbound part ng NLEX malapit sa Km 34 ng Guiguinto.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply