Vice Mayor Zambo tinambangan

MALUBHANG nasugatan ang dalawang katao kabilang ang isang vice mayor at bodyguard nito matapos paulanan ang sinasakyang kotse ng dalawang ‘di nakilalang lalaki riding in tandem kahapon ng tanghali sa Ermita, Maynila.

Nakilala ang mga biktima na sina Ocol Talumpa, first-termer vice mayor ng Labangan, Zamboanga del Sur, 46, at bodyguard nitong si Alimudin Silad, 40, habang masuwerte namang nakaligtas sa kapahamakan ang anak ng bise alkalde na sina Ryan, 20 at Raysa, 14.

Sa report ni SPO3 Benjamin Imperial, dakong 1;15 ng hapon nang maganap ang pananambang kung saan kasama pa nito ang  dalawang anak, sa may Leon Guinto kanto ng Apacible Ermita, Maynila.

Nabatid na si Talumpa ang siyang nagmamaneho sa Toyota Vios na silver (NQL-148) habang nakaupo sa tabi ang bodyguard at sa likurang bahagi ng kotse naman nakaupo ang dalawa niyang anak. J. T. Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply