Viloria, Mayol wagi

PINATULOG ni ex-world champion at current WBO #1 flyweight Brian Viloria (28-2, 16 KOs) si Thai Liempetch Sor Veerapol (19-8-1, 12 KOs) sa kanilang sagupaan sa Ynares Sports Arena sa Pasig City kamakalawa.

Dalawang beses bumagsak ang Thailander at naigawad kay Viloria ang seventh round TKO win sa nasabing non-title fight.

Dahil sa panalong ito ay mabibigyan ng pagkakataon si Viloria na makalaban si WBO flyweight champion Julio Cesar “Pingo” Miranda sa hinaharap.

Ayon kay Viloria, nagpapasalamat siya sa dasal ng maraming Pinoy sa kanyang tagumpay.

Samantala, sa isa pang aksiyon, si WBC 108 lbs. champion Rodel Mayol (27-5-2, 21 KOs ) ay pinahalik din sa lona si Thailander Pompetch Twins Gym (14-3, 4 KOs) sa round seven sa kanilang umaatikabong flyweight bout. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply