Vital installation mahigpit na binabantayan sa bantang terorismo

MATAPOS magpalabas ng travel advisory  ang United Kingdom at Australia kung saan pinag-iingat ang kanilang mga kababayan na magtungo sa Pilipinas, mahigpit nang pinababantayan ng Manila Police District (MPD) ang tatlong vital installation sa Maynila dahil sa bantang terorismo.

Sa isang press conference, sinabi ni  MPD officer-in-charge, Chief Supt. Roberto Rongavilla, mayroon na siyang binuong  tatlong special task force  na nakatutok sa US Embassy, Malacañang at Pandacan Oil depot.

Ayon pa kay  Rongavilla, pamumunuan ng MPD-PS 5 Commander Supt.Frumencio Bernal ang Task force US Embassy; MPD-PS 8 Commander Supt. Felipe Cason, ang Task Force Malacañang at MPD-PS 10 Commander Supt. Orlando Mirando para sa Task Force Pandacan.

Sinabi rin na maaaring sumaklolo ang MPD Headquarters at Philippine National Police Headquarters sa Camp Crame, kung magkakaroon ng mga matitinding kaganapan, at depende sa pangangailangan.

Sinabi pa ng opisyal na ginagawa ng PNP para mabigyan ng proteksiyon ang publiko at turista sa Maynila.

Samantala, tumanggi  naman si Rongavilla na kumpirmahin ang intelligence report  na may limang lalaki kaugnay sa teroristang grupong  Jemaah Islamiyah (JI) ang narito sa Metro Manila at  nakatakdang maghasik ng kaguluhan.

Sinabi ng opisyal,  na ang manpower ng MPD ay  nakadeploy sa iba’t ibang pampublikong lugar mula pa noong bago mag-undas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply