Walang fuel shortage sa Metro Manila — DoE

KAHIT pansamantalang nagsara ang 35 fuel stations ng Pilipinas Shell noong Biyernes, tiniyak naman ng energy officials na walang magaganap na fuel shortage sa Metro Manila.

Tiniyak ni Energy Undersecretary Zenaida Monsada na minomonitor ng Department of Energy ang situwasyon.

“Sabi ni Secretary, walang difficulty sa supply as far as motorists kundi inconvenience lang,” Ayon kay Monsada, head ng Oil Industry Management Bureau sa isang panayam sa dzRH.

Dagdag pa ni Monsada,  Shell at Chevron lamang ang nahihirapang ibiyahe ang mga fuel kung saan gumagamit ang mga ito ng First Philippine Industrial Corp. pipeline.

Matatandaang ipinasara ang pipeline makaraang makakita ng tagas ang  geologist teams.

Ayon kay Monsada, gumagamit ngayon ng barges at delivery trucks ang Shell at Chevron upang maibyahe mula sa Batangas papunta sa kanilang depot sa Pandacan Manila.

“Nag-concentrate sila sa diesel at ordinaryong gasolina,”  dagdag pa ni Monsada.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply