Walang kaltas sa badyet ng State Universities

NILINAW  ni Sen. Franklin Drilon na walang kinaltas ang Palasyo sa taunang badyet ng 112 state universities and colleges (SUC) bagkus dinagdagan pa ng Department of Budget and Management (DBM) kumpara sa nakaraang administrasyon.

Ayon kay Drilon, walang katotohanan ang paratang ng ilang grupo sa sektor ng edukasyon na binawasan ang badyet ng SUC at inabandona ng administrasyon ang pangako nitong bibigyan ng prayoridad ang tertiary education.

Sinabi ni Drilon na “loaded” ng congressional insertions ang badyet ng SUCs nitong 2010 na hindi naman naipalabas dulot ng lumolobong kakapusan sa badyet na aabot sa P325 bilyon sa pagtatapos ng taon.

“There was no way by which these additional amounts could have been released because there were no additional revenues,” ayon kay Drilon matapos ang marathon hearing nitong Biyernes.

Inihayag pa ni Drilon na nagpalabas si dating pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ng “conditional veto” na nagsasabing ipalalabas lamang ang pondong itinaas sa badyet kung matutukoy ng Kongreso ang pagkukunan ng pondo.

Katunayan, ayon pa kay Drilon, itinaas ang subsidyo ng pamahalaan sa SUC tungo sa P21.7 bilyon mula sa dating P19.6 bilyon na isinumite ni Arroyo para aprubahan ng Kongreso.

“When the 2010 budget was approved, a total of P2.8 billion has been padded as congressional insertions by lawmakers, bringing the total budget of SUCs to P22.4 billion,” giit ni Drilon. Ernie Reyes

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply