Walang pasok sa Nob. 29

BAGAMA’T mahigit dalawang linggo pa ang ipaghihintay ng publiko ay idineklara na  ngayon ng Malakanyang na isang special non-working holiday ang Nobyembre 29, araw ng Lunes.

Ito’y may kaugnayan sa paggunita ng Bonifacio Day sa November 30, na nataon sa araw ng Martes.

Bunsod ng ipinalabas na Republic Act 9492 o kilalang holiday economics ng dating Pangulong Gloria Arroyo kaya’t napilitan ang bagong administrasyon na sundin ito o ayunan na lamang ang paglipat ng walang pasok sa araw ng Lunes.

Sa nasabing batas, ang pagdiriwang ng mga movable holidays ay ilipat sa pinakamalapit na Lunes.

Kaya nga dahil dito, sa halip na Martes, sa Nobyembre 29 na ang holiday at may pasok na sa November 30.

Samantala, nagpaliwanag naman ang Malakanyang kung bakit hindi inilipat sa araw ng Lunes ang holiday sa November 16 kaugnay sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga Muslim. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply