We will never forget the massacre

MASASABI nating nakatanim na nang malalim at hindi na siguro madaling bunutin ang tinik na nakabaon sa dibdib ng mediamen kaugnay ng mga pamamaslang sa kanila.

Siguro, mabubunot lamang ang tinik kung magkakaroon na ng katarungan ang lahat ng mga pamamaslang sa mga tagapaghatid ng balita sa ating lipunan.

Kung iisipin, hindi lang naman ang Maguindanao massacre ang labis na ikinalulungkot natin.

Mahigit na 100, mga Bro, ang paisa-isang pinaslang sa kanila sa nakalipas na dalawang dekada.

At dumating ang panahon na ang paisa-isang pagpatay ay naging sunod-sunod.

Bumilis nang bumilis ang serye ng pagpatay sa kanila hanggang sa magkaroon ng malakas na pagsambulat.

Sumambulat nang todo ang mga pamamaslang sa Maguindanao nang imasaker ng ilang makapangyarihang Ampatuan ang nasa 32 mamamahayag.

Kahapon ay unang anibersaryo ng Maguindanao massacre.

Ginunita natin ang masaker, mga Bro, hindi para lamang sa mga kapatid nating 32 na namatay.

Kasabay nating ginunita ang pagpanaw din ng mahigit 100 na nauna nang isinailalim sa ultimate censorship ng mga mamamatay-tao, lalo na ang mga corrupt.

Kagagawan karaniwan ng mga corrupt at abusado ang mga pagpaslang at tanging ang pagpatay sa mediamen ang paraan nila para maikubli nila ang kanilang mga krimen sa mata ng mamamayan.

We will never forget.

Totoong hindi natin kailanman kalilimutan ang madugo at masakit na kasaysayan ng peryodismo at media sa kabuuan.

Ito rin sana ang magtatakda ng commitment sa hanay ng mediamen sa propesyon.

Kailangan sila ng lipunan na laging uhaw sa mga balita na laging ikinukubli hindi lang sa kasinungalingan kundi sa kamatayan ng mediamen.

Ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mediamen ay malinaw na kinakailangan sa ngayon.

Sa Maguindanao massacre lang, aabutin tayo ng dekada bago magkaroon ng linaw dito.

At marahil ay isang dekada pa bago magkaroon ng pinal na desisyon mula sa Korte Suprema.

Batay ito sa rekord ng mga kasong kriminal na dumaraan mula sa municipal o regional trial court o Sandiganbayan hanggang sa aabot ang mga ito sa Court of Appeals at Korte Suprema.

Sana naman, makatulong ang Korte Suprema sa pagpapabilis ng pagkamit ng katarungan sa pamamagitan ng isang special court at  speedy trial sa kasong massacre at iba pang mga kaso ng mga pinagpapaslang na mediamen.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply