Website ni Sen. Sotto na-hack

ISANG hindi pa nakilalang hacker ang nang-hacked ng official website ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III umaga ng Lunes kung saan napag-alamang puro kalokohan ang naka-post na nagbibigay ng impormasyon sa posisyon ng Senador patungkol sa education budget ng bansa.

Ang naturang website ay isang open letter para sa publiko, kung saan nakalagay ang mga press release ng senador.
Ako si Tito Sotto (I am Tito Sotto), a musician and composer by profession, a sportsman by affiliation, and a public servant by conviction,” ito ang panimulang mababasa sa naturang website kung saan inihahayag ang personal niyang impormasyon.
Ngunit sa kalagitnaan ng naturang post, “Actually joke lang po yun (that’s all just a joke), all I really wanted to do was make people laugh in Eat Bulaga. Harhar.”

Ginawa ring kabibiruan ang posisyon ni Senador Sotto patungkol sa protesta ng mga estudyante laban sa national budget allocation ng mga state universities at colleges.

“I would like to thank (the protesters) for making a hype about my ‘ghost stories’ statement, it really boosted my popularity among the masses. I’m actually thinking of running for the position of President next elections,” saad pa sa sulat.

“Fight for greater state subsidy for senators! Uphold commercialization and state abandonment of education. Buong bansa, Eat Bulaga!.”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply