Whistle-blower sa Glorietta blast lumantad

LUMANTAD na sa Department of Justice (DOJ) ang retiradong opisyal ng militar na nagbunyag na sadya ang naganap na pagsabog sa Glorietta 2 noong Okt. 19, 2007.

Nagsumite na ng affidavit sa DOJ ang retiradong opisyal ng military na si Allan Sollano kaugnay sa muling pagbubukas ng imbestigasyon ng Glorietta 2 bombing.

Personal na pinanumpaan  ni Sollano sa harap ni  Justice Secretary Leila de LIma ang kanyang salaysay tungkol sa nalalaman nito sa naganap na insidente matapos itong ipatawag ni Senior State Prosecutor Peter Ong, na siyang pinuno ng fact-finding committee na mag-iimbestiga sa insidente.

Itinakda ang padinig sa November 18,2010 dakong alas 2 ng hapon kung saan isinubpoena na ang mga opisyal ng PHilippine National Police(PNP),Armed Forces Chief of Staff Gen. Ricardo David, National Bureau of Investigation (NBI) director Magtanggol Gatdula at mga opisyal ng Ayala Land Corp.

Inatasan ni Ong ang mga nabanggit na magsumite ng orihinal na dokumento tulad ng post-blast investigation reports, chemistry reports, SOCO reports, death certificates, post mortem/autopsy reports, medico legal reports at findings ng Australian federal police.

Hihilingin din nito sa orihinal na may hawak sa kaso ang kopya nito upang maikumpara sa kanilang makokolekta pang mga dokumento.

Base sa salaysay ni Sollano, siya ang pinuno ng Explosive and Ordinance Division (EOD) ng Philippine Army na nag-imbestiga sa Glorietta explosion, kung saan lumalabas sa halos anim hanggang walong oras na pag-iimbestiga nito ay lumalabas na ang dahilan ng pagsabog ay mula sa isang high-explosive detonation.

Paliwanag ni Sollano, mayroon siyang nakitang “petalling” ng metal plate sa diesel tank na matatagpuan sa basement ng mall, reverse crater sa dome na nabuo dahil sa lakas ng pagsabog sa unang palapag.

Ang ganitong kalakas ng pagsabog ay maaari lamang umanong maging dahilan ng high explosives, taliwas naman sa naunang resulta ng imbestigasyon ng PNP kung saan lumalabas na methane gas ang dahilan ng pagsabog.

Humingi na rin ng proteksyon sa DOJ si Sollano para sa kaligtasan ng kanyang pamilya matapos nitong aminin kay De LIma na mayroong pagbabanta sa kanyang buhay. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply