William Martinez, na-stroke

INOOBSERBAHAN ngayon ang aktor na si William Martinez  sa Intensive Care Unit (ICU) ng St. Lukes Medical Center matapos ma-stroke noong Lunes.

Ito ang kinumpirma ng aktres at asawa ni Martinez na si Yayo Aguila, sa QTV’s Balitanghali news program.

Ayon kay Aguila, sinugod sa hospital ang aktor matapos makaranas ng matinding sakit ng ulo noong Lunes.

Si Martinez, kilalang Tonton sa 80s hit series na ‘Bagets’ ay nakararanas ng sakit ng ulo magpahanggang ngayon .

Humingi rin ng panalangin si Yayo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply